It was year 2015 or early 2016 (?), naglalakad ako sa UP after a workout (naks! Akala mo naman talaga.) It was a weekend – Saturday, I think. Gumising ako ng mga 5am tapos nagpunta ng UP, dating gawi, iikot sa oval – minsan dalawang ikot, minsan kalahati nga lang – depende sa mood. Minsan, depende sa pinagdadaanan din. Hehe
Naalala ko nun,pangalawang taon ko yata sa grad school. Mahirap kasi sabay-sabay. Trabaho, aral, binubuong negosyo, buhay in general. Mag-isa lang ako sa Manila. Never ako nakaranas ng lungkot kahit mag-isa, kahit matagal akong mag-isa. Nung umaga na yun sa UP iniisip ko kung nasaan ako after 4 to 5 years. Basta ang alam ko na gusto ko eh sana makagraduate ako, matayo ko yung negosyo, saka magkaroon ng time sa ~art~ haha, yun yung winoworkout ko. Pero after 5 years, nandito na ako sa 2020. Yung turnout ng taon hindi mo talaga masabi. Within that 5 years ang dami rin naman nangyari, mga life-changing moments. Looking back parang nag grow naman ako, ewan ko, hindi naman siguro ako yung makakapagsabi.
Masaya naman akong mag social distancing lalo na sa mga taong hindi ko gusto talaga hahaha pero ang dami rin inadjust. Madami rin sana akong gustong makita na hindi ko magawa physically nitong taon na ‘to. Ayoko mag expect sa 2021, masakit madisappoint. Ang sure ko lang eh, kung matapang ako nitong 2020, mas lalo sa 2021. Ganun ang buhay eh, hindi tayo nagpapaapi hehe
Ang dami din taong nawala, ‘yung iba because of death, ‘yung iba because of fate (pero buhay pa sila, sana). Mula sa umaga na yun sa UP hanggang sa araw ngayon, ang daming nangyari. Marami din sana ako gustong ibalik kaso hindi na pwede. Marami din akong gustong kalimutan, I’m on it. Mas masaya at payapa naman ako ngayon kumpara sa dati. Maraming salamat na din sa mga siraulong dumaan, naging kaibigan, naging kadamay, kung tayo tayo pa rin sa taong 2021, okay; pero kung hindi, salamat pa rin, ~salamat nalang sa lahat~ haha
Sana sa 2021, maiba naman. Nakakaiyak yung lipatan ng taon pero hindi naman titigil yung ikot ng mundo, pilitin nalang natin sabayan. Happy New Year!